Lunes, Enero 23, 2017


Kalikasan, Ating Kayamanan


Biyayang kaloob ng Diyos sa atin
Ang kapaligirang mayroong gandang angkin
ang ibinibigay ay kasaganaan
Isang kayamanang di mapapantayan

Related image




Ang lunting pananim sa mga bukirin
Masaganang ani ang hatid sa atin
Doon malalanghap ang hanging sariwa
Sa pagod na isip, ang dulot ay saya

Image result for land form




Kaya tayong mga kabataan, huwag talikuran
Ang ating paligid huwag pabayaan
Inang kalikasan ating pagyamanin
Ang biyayang dulot huwag ubusin

Related image


Ina, Maligayang Kaawaran

Maligayang kaarawan sa iyo aking Ina,
Ina na nag-aruga sa akin mula pagkabata
Ngayong ako'y malaki na; hayaang ipadama, 
Yaring pasasalamat, sa paraang patula

Image result for nanay clipart

Pagbati ko sa iyong kaarawan,
Sa ika-16 ng Disyembre
Dalangin ko sa Poong Maykapal
Pahabain sana angkin mong buhay

Image result for celebrating birthday mother clip art

Huwag ka nang malumbay,
sa mga suliraning dinaranas
Sapagkat ako'y naririto
at handa kang tulungan

Hayaan mo akong,
Ika'y tulungan at paglingkuran
pagka't isa kang dakila,
Mahal kong Ina

Pag-ibig Ni Hesus sayo, Walang tutumbas

Ni: Krisly Joy J. Gloria


Image result for pagpako kay hesus sa krus

Siya ang nag-iisang haring makapangyarihan
Ama ng pagmamahalan
Panginoon ng kabutihan
Na handang manlingkod kaninuman

Tayo ay mga makasalanan
Kabutihang loob niya'y di natin maramdaman
Mga payo niya, di natin pinapansin
hanggang siya'y ating pagbayarin sa ating mga kasalanan

Siya ay nagdusa at ating pinabayaan
Walang awang pinahirapan
Kay igting pinarusahan
Lahat ng ito ay handa niyang kandungin

Naligo sa sariling dugo't laman
At ipinako sa krus ng walang pag-aalinlangan
Bago siya malagutan, siya ay nagwika;
"Ama, hindi nila alam ang kanilang ginagawa, kung kaya't sila'y patawarin"